‘Jenny’ magiging severe tropical storm
MANILA, Philippines — Patuloy na lalakas ang bagyong Jenny at inaasahang magiging isang severe tropical storm ngayong Linggo at maaabot ang typhoon category sa Lunes o Martes.
Base sa 5pm advisory ng PAGASA kahapon, ang sentro ng bagyo ay naitala sa layong 995 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 80 km bawat oras.
Bagamat hindi pa direktahang nakakaapekto sa bansa ang bagyo sa ngayon, pero dahil sa proximity ng track forecast nito sa Extreme Northern Luzon ay may malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands sa Martes o Miyerkules.
Paiigtingin naman ng bagyo ang habagat kayat makakaranas ng paminsan-minsang pag-ulan sa western portions ng Southern Luzon at Visayas ngayong Linggo.
Si Jenny ay kikilos sa pagkalahatang direksyon ng hilagang kanluran sa Lunes.
- Latest