^

Bansa

Pagpasa ng HB 5314, pinuri ni Cong. Richard Gomez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpasa ng HB 5314, pinuri ni Cong. Richard Gomez
Leyte Rep. Richard Gomez
Richard "GOMA" Gomez / Facebook page

MANILA, Philippines — Pinuri ni Leyte Rep. Richard Gomez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpirma bilang ganap na batas ng Republic Act 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act.

Si Gomez ang may-akda ng House Bill No. 5314, na layong burahin ang mga loan ng mga magsasakang benepisyaryo ng agrarian reform program. Ito ang bersyon na ikinunsidera ng House of Representatives para maipasa.

“Natutuwa ako sa pagpasa bilang batas ng Agrarian Emancipation Act. Tinitiyak ko na matutulungan nito na mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka, mabigyan ng tulong ang agrikultura, at matiyak ang food security ng ating bansa,” saad ni Gomez.

“Umaasa ako sa agad na implementasyon ng batas na ito. Mabibigyan nito ng pag-asa ang mga magsasaka na mapapasakanila na ang lupain na kanilang sinasaka ng ilang dekada, at hindi na magiging sunud-sunuran sa mga mayayamang landowners,” dagdag pa ni Gomez.

Sa paghain niya ng HB 5314, ipinunto niya na 30 taon na ang Comprehensive Agrarian Reform Act mula nang maipasa, pero marami sa mga benepisyaryo ang hirap na makabayad ng amortisasyon na kailangan para mailipat sa pangalan nila ang lupain.

Sakop ng RA 11953 ang P57.56 bilyon ng agrarian arrears at inaasahang mabebenipisyuhan ang nasa 610,054 magsasakang benepisyaryo na nagsasaka sa kabuuang 1,173,101.57 ektarya ng lupain.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with