^

Bansa

DepEd hinihingi 'listahan' ng mga gurong kasapi ng red-tagged party-list group

James Relativo - Philstar.com
DepEd hinihingi 'listahan' ng mga gurong kasapi ng red-tagged party-list group
Litrato ng mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers noong Araw ng Manggagawa, ika-1 ng Mayo, 2023
Released/Alliance of Concerned Teachers

MANILA, Philippines — Hinihingi ngayon ng Department of Education (DepEd) ang kumpletong listahan ng mga gurong kasapi ng progresibong Alliance of Concerned Teachers, bagay na nakaalitan ng kagawaran at pilit ikinakabit sa "komunistang rebelyon."

Ito ang lumabas sa memorandum OUOPS 2023-01-5581 ng DepEd na ipinadala sa lahat ng regional directors at school division superintendents.

"This Office respectfully requests the submission of the complete list of teachers affiliated with the Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) who are availing the Department's Automatic Payroll Deduction System," wika ng memo na pinirmahan ni DepEd Undersecretary for Operations Revsee Escobedo.

"All submissions must be consolidated at the regional level, verified, and signed by the Regional Director."

Sinasabing dapat nakumpleto na ito noong Miyerkules.

Nangyayari ang lahat ng ito habang madalas banatan ni Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, ang ACT habang iniuugnay sila sa Communist Party of the Philippines at New People's Army kahit ligal itong grupong aktibista.

Data privacy act 'violation' at red-tagging

Kinastigo naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang gawing ito ng DepEd, lalo na't paglabag daw ito sa batas at posibleng magamit pa raw sa mga atake sa kanilang kasapian.

"[Violation] sa Data Privacy Act ang ginagawang ito ng Deped. At yung right to freedom of association, expression and redress of grievances na nasa [1987 Constitution]," wika ni Castro sa panayam ng Philstar.com, Biyernes.

"[Naka-worry] din dahil naha-harass ang mga miyembro ng ACT at unions. Sa red-tagging ng Deped, [nagre-result[ din ito sa vilification ng mga leaders, iba nga kinakasuhan. Fortunately nadi-dismiss naman sa korte."

Aniya, hindi rin daw malinaw sa memo kung para saan ang automatic payrool deduction na tinutukoy lalo na't ang regional ang pormasyon ng mga unyon ng guro. Hindi rin daw ang Central Office (CO) ang nagde-deduct nito.

Hindi rin daw nakikipag-usap sa ACT-Philippines ang CO kaugnay ng mga problema sa mga unyon kung kaya't nakagugulat na may ganitong memorandum.

"So ang layunin lng nito, [makuha] ang names ng members ng ACT unions para red-tagging purpose nila. Ang advise ko makipag-[dialogue] ang Deped sa ACT sa iba't ibang isyu," dagdag pa ni Castro.

"Dami [na] nila letter sa Deped di sila humaharap."
 
Matatandaang nangyari ang serye ng pagbanat ni Duterte nang manawagan ang grupo sa gobyerno na mag-hire ng dagdag na 30,000 guro sa mga pampublikong paaralan at P100 nbilyon budget taun-taon para sa classrooms.

Ang red-tagging na ito ng DepEd ay inireklamo na ng ACT sa International Labor Organization dahil sa paglabag daw ito sa karapatan sa free association.

Kahit na bise presidente at secretary ng DepEd, co-vice chairperson din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict si Duterte na kilala sa panre-red-tag ng mga indibidwal at grupo kahit walang sapat na pruweba.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

RED-TAGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with