^

Bansa

Marcos pinarangalan ang OFWs

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga OFWs sa Migrant Workers’ Day kasabay ang pangako na palalakasin ang ugnayan sa mga host country para matiyak ang kanilang kapakanan.

Ayon kay Marcos, mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino na nagta-trabaho sa labas ng bansa.

Kinilala ni Marcos ang mga sakripisyo at kontribusyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa sa kanilang mga pamilya at sa Pilipinas.

Muli ring tinawag ni Marcos na mga bagong bayani ang mga manggagawang Pinoy sa labas ng bansa.

“Mabuhay ang lahat ng manggagawang Pilipino sa ibayong dagat. Mabuhay ang mga bagong bayani ng Pilipinas,” ani Marcos.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, nasa 1.83 milyong manggagawang Pilipino sa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre 2021.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with