Davao Occidental, Camarines Norte at Surigao del Sur, niyanig ng lindol
MANILA, Philippines — Magkakasunod na niyanig ng malalakas na lindol ang mga lalawigan ng Davao Occidental, Camarines Norte at Surigao del Sur kahapon.
Batay sa inilabas na earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Davao Occidental, 4.3 magnitude sa Camarines Norte at 4.0 sa Surigao del Sur. Pawang tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Ayon sa Phivolcs, unang naramdaman ang lindol sa Davao Occidental ala-1:58 ng madaling araw, sa Camarines Norte ay alas-11:14 ng umaga habang sa Surigao del Sur ay naitala alas-11:27 ng umaga.
Anang Phivolcs, wala silang inaasahang posibleng aftershocks at wala ring pinsalang idinulot ang mga ito.
- Latest