^

Bansa

Bakuna vs ASF, inindorso sa FDA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bakuna vs ASF, inindorso sa FDA
Ayon kay BAI Asst. Dir. Dr. Arlyn Vytiaco, naisumite na ng ahensiya sa FDA ang rekomendasyon nito para sa AVAC ASF Live Vaccine kontra ASF mula sa Vietnam.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nag-endorso na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay BAI Asst. Dir. Dr. Arlyn Vytiaco, naisumite na ng ahensiya sa FDA ang rekomendasyon nito para sa AVAC ASF Live Vaccine kontra ASF mula sa Vietnam.

Sinabi ni Vytiaco na nagkaroon muna sila ng serye ng vaccine field trial bago ito naindorso sa FDA at napatunayan nilang epektibo ang bakuna sa pagprotekta sa mga baboy laban sa ASF.

Ayon sa BAI, isinagawa mula Marso hanggang buwan ng Mayo ang clinical trials sa 6 na farm sa Luzon at lumabas ang positibong resulta.

Anya, sa safety at mefficacy trial, napatunayang ligtas ibakuna ang AVAC vaccine sa mga baboy kahit aabot pa sa 10 doses at wala ring namatay sa mga baboy na isinailalim sa trial at nakapag-produce rin ang mga ito ng antibodies na pangontra sa ASF.

Oras na may go signal na at maisyuhan na rin ng certificate of product registration ng FDA ang bakuna ay siniguro ng BAI na sisi­mulan na rin nito ang pagbuo ng TWG, pagbalangkas sa guidelines at rollout ng bakuna sa Pilipinas.

Binigyang diin ng BAI na mahalagang maumpisahan na ang immunization drive laban sa ASF para mapigilan ang pagkalat ng sakit na pumapatay sa mga alagang baboy at tuloy mapatatag muli ang domestic population ng babuyan sa bansa.

Sa tala ng BAI nitong June 1 ay aabot na sa 15 lalawigan sa 9 na rehiyon sa bansa ang may aktibo nang kaso ng ASF.

vuukle comment

BAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with