^

Bansa

Pagmumura ng mga senador sa hearing, pinuna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagmumura ng mga senador sa hearing, pinuna
Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva na inatasan siya ni Zubiri na alisin sa records ng senador ang ilan sa “unparliamentary remarks” tulad ng pagmumura at iba pa na hindi magandang pakinggan.
BW Photo/File

MANILA, Philippines — Pinabubusisi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang ‘proper decorum’ ng mga senador at kanilang mga pagsasalita tuwing mayroong hearing.

Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva na inatasan siya ni Zubiri na alisin sa records ng senador ang ilan sa “unparliamentary remarks” tulad ng pagmumura at iba pa na hindi magandang pakinggan.

Aminado si Villanueva na minsan ay nakakalimot din silang mga senador sa pagpili ng mga salitang sasabihin at mayroong mga nasasabi na dapat ay alisin sa rekord ng Senado.

Inamin naman si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na isa siya sa mga senador na hindi nakakasunod sa decorum sa mga Senate hearings at ‘guilty’ siya at ‘very unparliamentary’ dahil sa tindi ng kanyang emosyon at pagtatalo sa pagdinig.

May ilan din umanong senador ang mas mabigat pa ang nabibitawang salita dahil sa matindi talaga ang emosyon kaya hindi sila masisi na nadala sila sa mga nagaganap.

Sa kabila nito, dapat umano na matuto ang mga senador na paalalahanan ang mga sarili sa tamang asal at kilos sa Mataas na Kapulungan at ang mga ganitong paalala ay magsisilbi namang learning process sa kanilang mga senador.

Una nang pinuna ng publiko ang pagsusuklay ng bigote ni Sen. Robin Padilla at ang pagsasa­lita ng hindi maganda at pagmumura ng ilang mambabatas sa gitna ng mga pagdinig.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with