^

Bansa

Security plan sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos inilalatag na - Acorda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Security plan sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos inilalatag na - Acorda
President Ferdinand Marcos Jr delivers his first State of the Nation address at the House of Representatives in Quezon City on July 25, 2022.
Aaron Favila via AFP / pool

MANILA, Philippines — Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, nagpupulong na sila ng iba pang law enforcement agencies upang mapag-aralan ang mga intelligence report at matiyak na walang magiging problema sa paglalatag ng seguridad sa SONA.

Sinabi ni Acorda na ang lahat ng lugar na malapit at nasa palibot ng Batasan Complex ay magkakaroon ng sapat na seguridad.

Isasapinal na rin nila ang bilang ng mga PNP personnel na ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magpapatupad ng peace and order.

Dahil dito, asahan na aniya ang makikitang mga pulis na nagro-roving at nagpapatrolya habang papalapit ang araw ng SONA sa Hulyo.

Hindi rin papayagan ang mga protest rally malapit sa Batasan Complex habang naghahayag ng kanyang SONA ang Pangulong Marcos.

Gayunman, may mga designated freedom parks na maaaring pagsagawaan ng rally.

Tiniyak ni Acorda na paiiralin pa rin ng PNP ang “maximum tolerance” sa mga demonstrador.

vuukle comment

PNP

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with