^

Bansa

NHA, magbibigay ng tulong sa maaapektuhan ng bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda ang National Housing Authority (NHA) na asistihan ang mga pamilyang maapek­tuhan ng bagyong Betty.

Ayon kay NHA Gene­ral Manager Joeben Tai na kanya nang inatasan ang mga regional at district managers ng ahensiya na maging handa sa panana­lasa ng naturang bagyo.

Anya, nagbigay din siya ng direktiba na imonitor ang lahat ng housing project sites at tiyaking alam ng mga benepisyaryo ang tungkol sa kalamidad.

Aniya, kailangang ma­bigyan agad ng tulong ang mga benepisyaryo na lubhang tatamaan ng bagyo.

Sinabi pa nito na may 900 relocation sites ang NHA na kayang tumugon sa mga magsisilikas dulot ng pananalasa ng bagyo.

Bukod sa relocation assistance, magkakaloob din ang NHA sa cala­mity victims ng Emergency Housing Assistance na makakatulong sa kanila na maitayo uli ang kanilang bahay at makapagsimula ng bagong buhay.

vuukle comment

NHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with