^

Bansa

1,292 HIV cases naitala noong Pebrero - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1,292 HIV cases naitala noong Pebrero - DOH
Sinabi ni Mary Joy Morin, senior technical specialist ng DOH-National HIV, AIDS, and STI Prevention and Control Program, na patuloy ang kanilang monitoring dahil nakababahala ang trend na ito.
AFP

MANILA, Philippines — 56 teenager, mga bata May 1,292 kumpirmadong kaso ng HIV ang naitala nitong Pebrero, kabilang ang 56 tinedyer at mga bata.

Sa 56 mga kabataan, 54 ang edad 10-19, habang ang dalawa ay wala pang 10-taong gulang, ayon sa datos ng Department of Health.

Ang February tally para sa nabanggit na edad ay mas mababa kaysa sa 86 na naitala noong Enero.

Sinabi ni Mary Joy Morin, senior technical specialist ng DOH-National HIV, AIDS, and STI Prevention and Control Program, na patuloy ang kanilang monitoring dahil nakababahala ang trend na ito.

Ang pagtaas sa 1,292 kaso ng HIV ay nag-akyat sa kabuuang 112,028 mula noong Enero 1984, kung saan 65,236 sa mga ito ay kasalukuyang nasa anti-retroviral therapy (ART) noong Pebrero 2023.

Sa 373 kaso noong Peb­rero ay kabilang ang mga edad 15-24, kung saan 355 ay lalaki at 18 ay babae. May 61 kaso ang nasa advanced HIV infections.

Anim sa babaeng HIV positive ay mga buntis nang isalang sa pagsusuri, habang 70 ang OFWs na bagong na-detect sa virus.

Samantala, 109 sa ba­gong HIV cases ay tran­sactional sex o sex na may kapalit na pera.

Bagama’t maaari ring makuha ang HIV sa pamamagitan ng sharing ng kontaminadong karayom at pagkahawa ng anak mula sa ina, ang pakikipagtalik pa rin ang pangunahing dahilan ng mga impeksyon sa HIV, batay sa datos, na may 1,277 o 99 porsiyento ng mga kaso noong Pebrero.

Humigit-kumulang 905 lalaki ang may history ng pakikipagtalik sa isa pang lalaki, habang 148 ang lalaki-sa-babae at 224 ang nagkaroon ng pakikipagtalik sa lalaki at babae.

Ang Metro Manila, Ca­labarzon, Central Luzon, Davao Region, at Central Visayas ang nangungunang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga bagong naiulat na kaso ng HIV.

Mula Enero 1984 hanggang Pebrero 2023, may 6,425 na ang iniulat na nasawi.

vuukle comment

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with