^

Bansa

Index crime nationwide bumaba ng 16% - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Index crime nationwide bumaba ng 16% - PNP
Lumilitaw na 7, 865 index crimes mula Enero 1 hanggang Marso 25, na mas mababa sa 9, 375 insidente sa parehong panahon noong 2022.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumaba ng mahigit 16 porsyento ang Index Crime sa buong bansa sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Philippine National Police.

Lumilitaw na 7, 865 index crimes mula Enero 1 hanggang Marso 25, na mas mababa sa 9, 375 insidente sa parehong panahon noong 2022.

Ang index crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at vehicle theft.

Kasabay nito, ibinida ni Azurin ang tagumpay ng patuloy na kampanya kontra sa iligal na droga, kung saan P1.36 bilyong halaga ng droga ang narekober, at nakapagsampa ng kaso laban sa 14,481 arestadong drug suspects sa loob ng nabanggit na panahon.

Habang 17,418 ang naaresto sa pinaigting na paghahabol ng PNP sa mga wanted persons sa loob din ng panahong ito.

Sa kampaniya naman kontra sa loose firearms, sinabi ni Azurin na 1,993 ang naaresto at 6,726 firearms ang nakumpiska at narekober ng PNP mula Enero 1 hanggang Marso 24 ng taong ito.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with