^

Bansa

Bangka binunggo ng ­dolphin, muntik lumubog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangka binunggo ng ­dolphin, muntik lumubog
Sa ulat ng PCG, binabagtas ng MB Kiray motorbanca ang dagat may 15 nautical miles sa Hilaga ng Palaui Island nitong Marso 20 at patungo ng Babuyan Claro nang bigla silang mabundol ng isang malaking bagay sa tubig.  Nang tignan nila ay isang dolphin ang papalayo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na pasahero ng isang motorized banca nang muntik na itong lumubog makaraang mabundol umano ng isang dolphin sa karagatan malapit sa Palaui Island sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ulat ng PCG, binabagtas ng MB Kiray motorbanca ang dagat may 15 nautical miles sa Hilaga ng Palaui Island nitong Marso 20 at patungo ng Babuyan Claro nang bigla silang mabundol ng isang malaking bagay sa tubig.  Nang tignan nila ay isang dolphin ang papalayo.

Nagtamo ng pinsala ang bangka kaya pumasok ang tubig sa loob nito. Tinangkang kontrolin ng mga pasahero ang sitwasyon nang itapon nila sa tubig ang ilan nilang dalang cargo ngunit patuloy sa paglubog ang bangka.

Nagawa nilang makatawag sa PCG Sub-Station Sta. Ana na agad na rumesponde sa kanilang lokasyon at nailigtas sila nang abandonahin ang kanilang bangka.

Nasa maayos na pisikal na pangangatawan naman ang apat na sakay ng bangka habang hindi naman batid ang kundisyon ng nakabunggo sa kanila na dolphin.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with