^

Bansa

Ultimatum inisnab ni Teves

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ultimatum inisnab ni Teves
Sa press briefing kahapon, sinabi ni House Committee on Ethics chairman Rep. Felimon Espares na natapos ang 24 oras na ultimatum kay Teves hanggang alas-4 ng hapon kahapon para pisikal na magpakita sa komite at magpaliwanag sa patuloy nitong pag-absent sa Kamara.
Congressman Arnie Teves Facebook Page

Hahatulan na ngayon ng Kamara

MANILA, Philippines — Inaasahang hahatulan na ngayong araw si 3rd District Negros Oriental Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa ple­naryo kung dapat ba itong mapatalsik o manatili bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni House Committee on Ethics chairman Rep. Felimon Espares na natapos ang 24 oras na ultimatum kay Teves hanggang alas-4 ng hapon kahapon para pisikal na magpakita sa komite at magpaliwanag sa patuloy nitong pag-absent sa Kamara.

Ayon kay Espares, may desisyon na ang komite sa kaso ni Teves pero tumanggi itong idetalye dahil isusumite nila ito sa House Rules kung saan pag­dedebatehan sa plenaryo ang ipapataw na disciplinary actions laban sa kontrobersyal na mambabatas.

Mayorya anya ng mga mambabatas na miyembro ng kaniyang panel ang bumoto sa kanilang irerekomendang hatol kay Teves.

Nang matanong naman si Espares kung bakit hindi pinayagan ang kahilingan na hybrid via online na partisipasyon ni Teves sa pagdinig ay sinabi nitong meron silang sinusunod na kung hindi na awtorisado ang pagbiyahe sa ibang bansa ay ikinokonsiderang ‘absent’ ang isang Kongresista at hindi ito pinahihintulutan sa ilalim ng House Rules.

Muling hinikayat ni Espares si Teves na umuwi na ngayong araw bago pa man ibaba ang desisyon ng mga mambabatas sa plenaryo laban sa ‘embattled solon’.

vuukle comment

ARNIE TEVES

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with