^

Bansa

Romualdez sa PNP: One-strike policy ipatupad vs ‘ninja cops’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ihihirit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipatupad sa buong bansa “One-strike policy” sa PNP o agarang pagsibak sa puwesto ng mga “Ninja Cops” na sangkot sa krimen lalo na sa “hulidap” pati na ang kanilang commander.

Muling kakausapin ni Speaker Romuladez ang pamunuan ng PNP matapos madismaya sa pagkakasangkot umano sa “hulidap” ng 13 opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupo ng Filipino-Chinese businessmen kamakailan.

“Sila ang dapat na nagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan. Bakit sila pa ang inerereklamo ng hulidap at sangkot mismo sa krimen? Ano na ba ang nangyayari sa ilan nating mga pulis?” dismayadong pahayag ni Romualdez.

“Nananawagan akong paigtingin pa natin ang one-strike policy sa kapulisan at gawin ito sa buong bansa. Kung sangkot sa krimen ang isang pulis na nasa presinto, dapat sibakin din agad ang station commander nito”, dagdag pa ng lider ng Kamara.

Aniya, “command ­responsibility kung bakit dapat alisin din sa pwesto ang immediate superior ng mga tiwaling pulis”.

“If you are the commander, dapat alam mo ang kilos ng mga tao at all times”, dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinibak sa puwesto ni CIDG director Police Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang 13 opisyal, kabilang si CIDG-NCR chief Police Col. Hansel Marantan na nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation alinsunod sa command responsibility.

Ayon kay Romualdez, dapat paigtingin ng PNP ang kampanya sa ­paglilinis sa kanilang hanay upang maibangon ang nawawalang tiwala ng taumbayan sa kanilang mandato na alagaan at protektahan ang taongbayan.

vuukle comment

CIDG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with