^

Bansa

3 Pinay, nawawala sa Turkey quake

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 Pinay, nawawala sa Turkey quake
A woman sits on the rubble of a destroyed building in Kahramanmaras, southern Turkey, a day after a 7.8-magnitude earthquake struck the country's southeast, on February 7, 2023. Rescuers in Turkey and Syria braved frigid weather, aftershocks and collapsing buildings, as they dug for survivors buried by an earthquake that killed more than 5,000 people. Some of the heaviest devastation occurred near the quake's epicentre between Kahramanmaras and Gaziantep, a city of two million where entire blocks now lie in ruins under gathering snow.
AFP / Ade, Altan

MANILA, Philippines — Hinahanap na ang tatlong Filipino na iniulat na nawawala umano matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Nabatid kay Weng Timoteo, vice president ng Filipino Community sa Turkey, na ang tatlong Pinay ay mula sa Hatay na isa sa 11 na lalawigan na lubhang naapektuhan ng naganap na pagyanig sa Turkey.

Patuloy naman umano itong nanalangin na buhay pa ang nawawalang mga Pinay matapos na umanong gumuho ang kanilang bahay kung saan kasama nila dito ang 3 anak.

Idinagdag pa ni Timoteo na mayroon pa silang hinahanap na dalawang Pinay at kinukumpirma kung nasawi rin dahil isa umano sa mga amo nito ay nagkwento na namatay na umano subalit patuloy pa nila itong kinukumpirma.

Ayon pa sa kanya, mahirap pa rin ang komunikasyon sa ibang lugar sa Turkey lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng paglindol.

Mayroon pa rin umanong mga area sa naturang lugar na hindi pa naabot ng search and rescue team dahil masyadong sira ang mga daan gayundin ang mga airports.

Sa pinakahuling datos umabot na sa mahigit 7,000 katao ang nasawi dahil sa 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria.

vuukle comment

TURKEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with