^

Bansa

‘Past presidents bigyan ng opisina, security’

Pilipino Star Ngayon

Panukala idinepensa ni Bong Go

MANILA, Philippines — Idinepensa ni Senator Christopher “Bong” Go ang isinulong niyang panukala sa Senado na magbibigay sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo.

“Alam n’yo po, ang isang presidente po kapag natapos ang kanyang termino, ay itinuturing na wala na siyang trabaho. Pero (sa totoo lang), kahit tapos na ang kanilang termino, hindi natatapos ang kanilang trabaho at pagseserbisyo,” ayon kay Go.

“Kapag naging presidente ka, lagi kang magiging presidente. Ibig sabihin, ‘yung puso mo, nasa pagseserbisyo pa rin,” idiniin niya.

Ipinaliwanag ni Go na inaasahan pa rin ang mga dating Pangulo na gagampanan ang kanilang post-presidential duty tulad ng pakikipagpulong sa mga dayuhan at lokal na dignitaryo, pagdalo sa mga pampublikong okasyon o iba pang social engagements, maging ang pag-aaliw sa mga humihingi ng tulong o payo.

Dahil sa mga tungkuling ito, madalas na nangangailangan ang mga dating Presidente na mag-empleyo ng personal na kawani at imantine ang kanilang sariling mga opisina.

Si Go, kasama sina Sens. Mark Villar, Francis Tolentino, at Ronald “Bato” dela Rosa, ay naghain ng Senate Bill No. 1784 o panukalang “Former Presidents Benefits Act of 2023” noong Enero 26.

Kung maipapasa ang panukalang batas, lahat ng dating Pangulo ay may karapatan sa karagdagang benepisyo at pribilehiyo, tulad ng personal na seguridad at proteksyon, sapat na kawani na ibibigay ng Office of the President at angkop na espasyo ng opisina, bukod sa iba pa.

Ayon sa tradisyon, ang pagtatalaga ng mga miyembro ng Presidential Security Group upang bantayan ang mga dating Pangulo ay nakasalalay sa kasalukuyang Presidente. Pero kung magiging batas, bibigyan na ang mga dating Pangulo ng karapatang pumili ng pinuno ng kanyang security team.

Layon din ng panukala na mabigyan din ng agarang proteksyon ang pamilya ng mga dating Pangulo upang hadlangan ang anumang pagtatangkang saktan sila kahit wala na sila sa pampublikong opisina.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with