^

Bansa

Pagkain muna bago tabako sa anti-smuggling - Consumer group

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang consumer group na tutukan ang pagsugpo sa smuggling ng pagkain imbes na gamitin ang isyu sa nagtataasang presyo upang maisingit ang tabako sa saklaw ng RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ayon kay Atty. Simoun Salinas, spokesperson ng Malayang Konsyumer, “dahil sa tumaas na presyo ng sibuyas at iba pang produkto, tama ang administrasyong Marcos sa pagsugpo sa agri smuggling, ngunit ilan sa ating mga mambabatas ay nais sumawsaw sa isyung ito at maisama ang tabako at sigarilyo.”

“Food security ang isyu. Pagkain para sa Pilipino ang prayoridad. Ito ang dapat na tutukan natin. Hindi yosi.”

Ang Senate Bill 1812 ni Senator Lito Lapid ay naglalayong amyendahan ang RA 10845 at isama ang mga produktong tabako tulad ng sigarilyo sa parehong kategorya ng bigas, asukal, gulay, karne at iba pang mahalagang produktong pagkain na dapat masinsinang manmanan ang pagpupuslit sa bansa.

Ang malakihang smuggling ng mga produktong nabanggit ay kabilang sa klasipikasyon ng “economic sabotage” sa ilalim ng RA 10845.

Sentro ngayon ng atensyon ang RA 10845 dahil sa kakulangan sa sibuyas at mahalagang produktong pagkain, pati na ang pagmahal ng presyo ng karne, manok, at isda.

Ang mga produktong agrikultural na nakalista sa Anti-Smuggling law na kailangan ng proteksyon ay “asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, carrots, isda, at mga gulay.”

vuukle comment

RA 10845

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with