^

Bansa

Imee ‘di interesado sa DA sec. post

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imee �di interesado sa DA sec. post
File photo of Sen. Imee Marcos.
Photo from Imee Marcos via Facebook

MANILA, Philippines — Hindi intresado si Sen. Imee Marcos na maging kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Marcos, na nagpapasalamat siya sa nag-iendorso sa kanya subalit binoto siya na ma­ging senador at bilang mambabatas ay makakatulong naman siya sa sektor ng agrikultura sa ibat ibang paraan.

Bukod dito, marami rin umano siyang trabaho sa Senado dahil chairman siya ng apat na komite, kabilang dito ang Committee on foreign relations, Electoral Reform and Peoples Participation, committee on Cooperative at Committee on Social Justice.

Ang pahayag ng senadora ay ginawa matapos na imungkahi ng grupong SINAG na gawin siyang kalihim ng DA.

Sa ngayon ang kanyang nakakabatang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang tumatayong kalihim ng DA.

Matatandaan na ilang ulit na hinikayat ng mambabatas ang kanyang kapatid na magalit na sa mga smuggler ng mga produktong agrikultural na umano’y dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with