^

Bansa

Gobyerno, nakatutok sa kapakanan ng OFWs at naiwang pamilya sa Pinas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno, nakatutok sa kapakanan ng OFWs at naiwang pamilya sa Pinas
Passengers queue at the various gates of the NAIA Terminal 3 in Pasay City on October 29, 2022.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na pa­la­lakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang tumutulong sa mga overseas Filipino workers.

Sa vlog ng Pangulo nitong Sabado, tiniyak ni Marcos na bibigyang proteksyon ng gobyerno ang OFWs at kanilang pamilya sa Pilipinas bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa.

“Ang tanging maisusukli ko ay ang patuloy na pagpapatibay ng ating ugnayan sa mga kinatawan ng bawat bansang kinaroroonan ninyo ganyan ang pakay natin lagi. Gaya noong isang araw tinipon natin ang ambassador ng iba’t ibang bansa sa Palasyo,” ayon pa sa Pangulo.

Idinagdag niya na magbibigay ang national government ng scholarships at housing sa pamilya ng OFWs.

“Kung sila ay babalik at naghahanap ng bagong trabaho eh tutulungan natin sila training ‘yung tinatawag na reskilling and upskilling dahil ito ‘yung ibang trabaho na lumalabas na highly technical kaya’t ite-training natin ang ating mga OFW para kaya nila makipagkompetensya sa labor market sa buong mundo,” giit pa ni Marcos.

Patuloy rin umanong magsusumikap ang pamahalaan para makapagtatag ng malakas na ekonomiya para mas makapanghikayat sa mga dayuhan at ma­ging sa mga Filipino na dito manirahan at magtrabaho.

“Maasahan, mahusay, magaling makasama, at mag-adjust kung nasaan man sila, ‘yan ang Pinoy tinitingala ng ibang lahi at ginagalang sa kanilang mga larangan,” dagdag pa niya.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with