^

Bansa

Bawat Pinoy 'P120,000 mahigit' utang ngayong gov't debt nasa P13.4-T

James Relativo - Philstar.com
Bawat Pinoy 'P120,000 mahigit' utang ngayong gov't debt nasa P13.4-T
File photo ng pera sa ilalim ng isang calculator
The STAR, File

MANILA, Philippines — Kung hahatiin sa 111.6 milyong populasyon ng Pilipinas ang kabuuang "outstanding government debt" ngayon, lalabas na P120,271 ang utang ng bawat Pilipino — ito matapos magdagdag ng ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P627 bilyong utang simula nang maluklok.

'Yan ang pahayag ng economic think tank na IBON Foundation, Biyernes, isang araw matapos iulat ng Bureau of Treasury na umabot na sa P13.42 trilyon ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Disyembre 2022.

Aniya, katumbas ito ng P508,348 na utang kada pamilya kung merong 26.4 milyong pamilya ang bansa.

"The problem isn't that the debt can't be paid. It can and is being paid," wika ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, sa isang pahayag kanina.

"The problem is that it's disproportionately paid by the poor and middle class — through [value added tax], excise and other consumption taces, underfunded social services, budget cuts in cash assistance."

Ngayong nailabas na ang gross domestic product (GDP) para sa buong 2022, lumalabas na nasa 60.9% ang debt-GDP ratio ng Pilipinas sa pagtatapos ng taon. 

Bagama't nabawasan ito ng P225.31 bilyon (1.7%) mula noong pagtatapos ng Nobyembre kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso, lumaki ito ng P1.69 trilyon para sa kabuuan ng 2022 (14.4%). 

"Fiscal management can be humane — and billionaires can pay more with a wealth tax," dagdag pa ni Africa.

Maliban sa mga progresibo, Enero lang nang manawagan ang executive director ng Oxfam Pilipinas na si Erika Geronimo ng pagpapataw ng wealth tax lalo na't mas marami pang pera ang siyam na pinakamayaman na Pilipino kumpara sa bottom half (55 milyon) ng populasyon.

Kung maisasabatas daw ang naturang buwis at itutuon sa mga milyonaryo, maaaring yumaman daw ng $3.8 bilyon ang Pilipinas, bagay na kayang pataasin ang Health budget ng two-fifths.

Ika-30 lang ng Hunyo 2022 nang ihain ng Kabataan party-list, Gabriela Women's Party at ACT Teacher's party-list ang House Bill 258, bagay na magpapataw ng "super-rich tax" sa mga indibidwal na may net value assets na lalagpas ng P1 bilyon.

Sa kabila nito, Hulyo lang nang Benjamin Diokno na hindi pa nila nakikita na ibabato nila ang suporta sa mga panukalang nagnanais magpataw ng malalaking buwis sa mayayaman, lalo na't posisble raw itong "matakot" ang mga posibleng mamumuhunan.

Bagama't umaki ng 7.6% ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2022, nakikita ni ING Bank senior economist Nicholas Mapa na 2023 talaga ang magiging tunay na sukatan kung mapapanatili nito ang growth rate targets.

vuukle comment

BUREAU OF TREASURY

DEBT

IBON FOUNDATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with