^

Bansa

Mataas na registration turnout, ikinatuwa ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mataas na registration turnout, ikinatuwa ng Comelec
On the last day of voters' registration, individuals register for the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections at a mall in Quezon City on January 31, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang mataas na resulta ng katatapos na voter’s registration na may average na 600 aplikante kada registration site.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na natukoy nila ito makaraan na magtalaga sila ng monitoring teams sa lahat ng registration sites sa Metro Manila at ilang lokalidad sa Cavite at Bulacan.

Sa huling datos ng Comelec kahapon ng umaga, nasa 2,445,573 sari-saring aplikasyon na ang kanilang natanggap. Sa naturang bilang, nasa 1,441,830 ang natanggap nilang aplikasyon para sa “new registration”.

Nasa 658,528 ang mga nasa edad 15-17 na maaaring makaboto sa SK elections, nasa 644,082 naman ang may edad 18-30 at 139,220 ang may edad 31-pataas.

Disyembre 12, 2022 nang buksan ng Comelec ang voter’s registration na nagtapos nitong Enero 31, 2023.

Tumanggap naman ang bagong Register Anywhere Program (RAP) sa mga shopping malls, at mga government agencies, ng kabuuang 8,979 aplikasyon.

Kabilang dito ang aplikasyon para sa bagong rehistrasyon na umabot sa 4,885 at 3,146 aplikasyon para sa transfer sa ibang munisipalidad.

“In spite of the high influx of registrants, lines were manageable, and queuing was smooth, with zero untoward incidents reported,” saad ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Pinasalamatan rin ni Laudiangco ang mga kapartner na malls at government agencies sa pagtulong sa kanila at pagtiyak na maayos at ligtas ang lahat ng aplikante sa naturang proseso.

vuukle comment

COMELEC

VOTER REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with