^

Bansa

5-man team na bubusisi sa PNP generals, colonels buo na

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangalanan na kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang mga miyembrong bubuo sa advisory group na magsasagawa ng screening sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na naghain ng kani-kanilang courtesy resignation.

Hawak na rin umano ng DILG ang inisyal na listahan ng mga sinasabing opisyal ng PNP na sangkot sa ilegal na droga.

Ang mga miyembro ng 5-man team ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr., dating National Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. at retired Major General Isagani Nerez.

Tumanggi naman ang ika-limang miyembro na isapubliko ang kanyang pangalan.

Ayon kay Abalos, kaagad na sisimulan ng advisory group ang screening at inaasahang matatapos nila ang buong proseso sa loob ng tatlong buwan.

“Mataas ang respeto natin sa limang volunteer advisors na ito na tumanggap ng napakahirap na hamon at responsibilidad na magsagawa ng imbestigasyon upang patuloy na masugpo ang iligal na droga sa bansa,” ani Abalos.

Kampante rin si Abalos na magiging patas at walang kinikilingan ang magiging review ng advisory group dahil ang mga ito aniya ay pawang kilalang may kredibilidad, integridad at magandang track record sa kani-kanilang larangan.

Ani Abalos, ang nasabing advisory group ang magsasala sa mga courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng PNP kasama ang National Police Commission (NAPOLCOM).

Binigyang-diin naman ng kalihim na hindi isang pormal na government appointment ang pagiging miyembro ng nasabing advisory group at pinakiusapan lamang ang mga volunteer advisors.

“Nililinaw ko lang na ito ay legal na proseso dahil ito ay advisory group lamang na siyang magrerekomenda sa National Police Commission (Napolcom) at sa kalaunan kay Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr.  Wala silang tatanggaping sahod o allowance dito,” aniya.

Kaugnay nito, hiniling ng kalihim sa publiko na suportahan ang imbestigasyon upang mapagtagumpayan ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

“Hinihiling ko po na ibigay natin ang ating 100% support sa kanila at patuloy tayong makiisa sa labang ito para masugpo ang droga na matagal ng nakakapaminsala sa ating bansa at nakakasira sa pangarap at kinabukasan ng mga inosenteng Pilipino,” anang DILG chief.

Sinabi ni Abalos na sa 955 generals at full colonels, isa na lamang ang hindi pa nagsusumite ng resignation.

Pinasalamatan din niya ang pagtalima ng mga opisyal ng PNP na mag-resign.

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with