^

Bansa

DILG: '1 sa 955' high-ranking PNP officials ayaw mag-resign kahit deadline na

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Sa mahigit 900 heneral at koronel na hinamon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magbitiw bilang bahagi ng paglilinis ng hanay ng kapulisan kontra droga, "nag-iisa" lang ang hindi pa naghahain ng courtesy resignation.

Natapos na kasi ang isang buwang palugit na ibinigay ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga high ranking officials ng Philippine National Police (PNP), bagay na ginagawa raw bilang "self-cleansing" lalo na't may akusasyon ng "deep infection" ng drug trade sa mga tagapagpatupad ng batas.

"Halos isang buwan na noong tayo po ay nag-anunsyo na tayo po nag-apela na mag-resign ang mga heneral at koronel. At kamukha po ng ating naipangako, tayo ay nagbigay ng halos isang buwan," ani Abalos sa isang media briefing, Miyerkules.

"Last day of filing of the resignation was yesterday."

Ngayong Enero lang ng pati si PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. ay maghain ng kanyang courtesy resignation. Kasama rin sa mga tumugon sa panawagan ni Abalos ang command groupo ni Azurin.

Kung titignan ang mga datos, 12 ang hindi sumunod sa pagbibigay ng courtesy resignation. Sa kabila nito, nagretiro na raw ang lima sa mga nabanggit habang anim naman ang malapit nang magretiro.

"If we're going to look at the figures, technically only one has not yet submitted the resignation out of 955," sabi pa ng DILG official, habang hindi ibinubulgar kung sino ito.

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng heneral, sa lahat ng koronel na nag-resign po. Alam niyo itong problemang ito ay talagang hinarap nila bilang isang institusyon. I would like to thank the Philippine National Police as a whole."

5-man advisory group, pero isa ayaw pakilala

Samantala, kumpleto na ang listahan ng five-man committee na sinasabing sisilip sa records ng mga una nang naghain ng kani-kanilang courtesy resignations.

Gayunpaman, isa sa kanila ay ayaw magpasabi ng pangalan:

  • Baguio Mayor Benjamin Magalong
  • Chief PNP Police Gen. Azurin Jr.
  • Former Secretary of National Defense, Gilbert Teodoro (sibilyan)
  • Ret. Maj. Gen. Isagani Nerez, Undersecretary for Police affairs ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs
  • "secret"

"They would go to the records one by one. Iisa-isahin po itong pangalan at pagkatapos tatanggapin ang resignation, ito ngayon ay ibibigay sa National Police Commission," patuloy ni Abalos.

"From thereon, ang Napolcom naman ang isa-isang ire-review uli ang mga pangalang tinanggap ang resignation."

Ang naturang komite ay pinili mismo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at walang allowance at sweldo para sa naturang trabaho.

Inaasahang magiging "apolitical" ang lima sa gitna ng proseso habang parurusahan naman ang mga mapatutunayang may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga.

vuukle comment

BENHUR ABALOS

BONGBONG MARCOS

DILG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with