^

Bansa

Vergeire, handa nang maging DOH secretary

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa na umanong maging permanenteng kalihim ng Department of Health (DOH) si officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Baka kailangan ako ng mga Pilipino,” pahayag ni Vergeire nang tanungin kung handa na siyang maitalaga na susunod na kalim ng DOH.

Bagama't may pag-aalangan pa siya, sapat na umano ang higit na anim na buwan na panunungkulan bilang OIC ng departamento para maging handa sa posisyon ng kalihim.

“Right now, I think based from these six months or more, I am ready. But the hesitancies are there, but sa tingin ko, baka kailangan ako ng Pilipino,” aniya, sa panayam sa telebisyon.

Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vergeire bilang OIC ng DOH noong Hulyo 2022, at nanatili sa posisyon sa kabila ng panawagan na magtalaga na ng permanenteng kalihim.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na ipinauubaya pa rin niya sa Pangulo ang desisyon kung sino ang hihirangin na kalihim ng DOH, lalo na at patungo na ang mundo sa "new normal".

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with