^

Bansa

Pulis magbabantay na rin sa mga iskul

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng mga insidente na kinasasangkutan ng mga estudyante, pagbabantayin na rin sa mga paaralan ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Ayon kay PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ina­tasan na niya ang lahat ng chief of police na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan para sa kinakailangang seguridad.

Giit ni Azurin, hindi na dapat pang maulit ang mga insidente na tulad ng pagkamatay ng isang 12-anyos na estudyante sa Bulacan na nakapagpasok ng baril ng kanyang ama sa paaralan at bomb threats sa mga paaralan sa Quezon City at Pasig City.

Nilinaw naman ni PNP chief information officer Col. Redrico Maranan na prayoridad sa pagtatalaga ng pulis ay mga paaralan na marami ang estudyante. Pag-uusapan ng COP at ng school officials ang sistema ng pagbabantay at bilang ng pulis na kailangan. Sa ngayon ay tanging mga help desk lamang ang nakaantabay sa labas ng mga paaralan.

Dahil dito, inaasahan ang mas pinaigting na police visibility sa mga paaralan bukod pa sa pagtulong sa mga security guard sa isinasagawang inspection sa mga papasok na estudyante.

Dagdag pa ni Mara­nan, tinitignan na kung may criminal at administrative liability ang amang pulis ng estudyanteng namatay.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with