^

Bansa

Survey: Classroom shortage, top priority dapat ng DepEd

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Survey: Classroom shortage, top priority dapat ng DepEd
Base sa 2019 National Building Inventory na 167,901 ang kakulangan ng classroom sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nais ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.

Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid aralan, 49% sa school learning resources tulad ng aklat at computer habang 45% naman ang nagsabi sa kakulangan ng guro.

Kasunod ng mga pinatutugunan ng mga Filipino ay ang kalidad ng edukasyon, kakulangan ng text books, drug testing sa mga estudyante, mababang sahod ng mga guro, medium of instructions o wika sa pagtuturo, mga pagkakamali sa text books at competence ng mga guro.

Kabilang din sa mga pinatutugunan ang P2,000 allo­wance para sa mga estudyante na self supporting at ang seguridad ng mga bata dahil uso ang kidnapping.

Base sa 2019 National Building Inventory na 167,901 ang kakulangan ng classroom sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan.

 

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with