^

Bansa

1 pang miyembro ng ‘Tiñga Drug Syndicate’, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1 pang miyembro ng �Tiñga Drug Syndicate�, timbog
Nakuha rin kay Tiñga ang isang kalibre 45 na baril, isang basyo ng 45 cal. magazine, anim na bala ng kalibre 45, at iba pa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P95,000 na halaga ng shabu ang nasamsam kay Bernardo Tiñga, 56, na naaresto sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police sa P. Mariano Street sa Barangay Ususan ka­makailan.

Isinagawa ng mga tauhan ng Taguig PNP Substation 4 ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Branch 15-FC Judge Byron G. San Pedro.

“Ang Taguig ay napakalakas ang paninindigan laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, mismong si Mayor Lani Cayetano ay may marching order na alisin ang mga ilegal na substances na ito sa ating lungsod. Sinisiguro namin sa publiko na hindi titigil ang Taguig Police hangga’t hindi natin naaabot ang goal natin na ito,” ayon kay Taguig City Police Chief Col. Robert Baesa.

Kinikilala rin ang Taguig Police sa pag-aresto at pagkulong sa mga kilalang miyembro ng Tiñga Drug Syndicate at iba pang high-value drug personalities sa mga nakalipas na operasyon.

Magugunita na nahatulan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na si Joel Tiñga dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2016. Ang isa pang mi­yembro ng sindikato na si Elisa “Ely” Tiñga, asawa ni Noel Tiñga na pinsan ni dating Taguig Mayor Freddie Tiñga, ay pinatawan din ng parehong parusa ng korte noong Pebrero 2017.

Noong panahong ding iyon, si Elisa ang pangatlo sa most wanted person sa listahan ng mga perso­nalidad ng ilegal na droga. Siya rin ang ikapitong miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na naaresto at nakulong.

Noong 2020, isang buy-bust operation ang humantong sa pagkakasamsam ng mahigit P20 milyong halaga ng shabu at nag­resulta sa pagkakaaresto kay Patrick Ace Tiñga.

1 pang miyembro ng ‘Tiñga Drug Syndicate’, timbog

Ludy Bermudo

vuukle comment

ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with