^

Bansa

PNP generals, colonels na ‘sabit’ sa droga isusumite kay Marcos ng 5-man team

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Hinihintay na lang ng Department of Interior and Local Goverment ang huling araw ng Enero na paghihintay sa iba pang mga heneral at koronel na magsusumite ng kanilang mga courtesy resignation bago pangalanan ang bumubuo ng “5-man advisory team”.

Ayon kay DILG Sec Benjamin “Benhur” Abalos Jr., sa bilang na 953 mga heneral at koronel sa buong bansa, 11 na lamang ang hindi pa nagsusumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng clean­sing process sa hanay ng pulisya laban sa droga. Sa 11, walo dito ang magreretiro na kaya tatlo na lamang ang matitira.

Sinabi ng kalihim, sa katapusan ng buwan ay tatapusin na nila ang panawagan at ilalantad kung sinu-sino ang bumubuo ng 5-man advisory team kung saan isa sa pinangalanang miyembro ay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ang grupo ni Magalong umano ang magbibigay ng mga pangalan ng mga nagbitiw at hindi nagbitiw sa National Police Commission para magsagawa ng imbestigasyon at ang komisyon na rin ang magbibigay ng report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaukulang aksyon at desisyon.

Bisita ang kalihim kahapon sa Camp Gen. Simeon Ola sa ginawang launching ng DILG sa Bicol ng BIDA Program o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with