^

Bansa

Durante, isasalang sa court martial sa Yvonne Plaza murder

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Durante, isasalang sa court martial sa Yvonne Plaza murder
Brig. Gen. Jesus Durante lll, commander of the 1001st Infantry Brigade, presents the list of the Most Wanted New People's Army rebels in a press briefing on Saturday (Feb. 26, 2022) at the 1001IB headquarters in Maco, Davao de Oro.
Twitter / PNA

MANILA, Philippines — Isasalang sa Court Martial proceedings at walang special treatment na ibibigay kay dating Presidential Security Group (PSG) chief, Brig. Gen. Jesus Durante III na sinasabing ‘utak’ sa pagpaslang sa modelo at trader na si Yvonnette Chua Plaza sa Davao City noong Disyembre 29, 2022.

Ito ang tiniyak ni Phi­lippine Army (PA) commander Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. matapos isailalim sa kustodiya si Durante na person of interest sa kaso ni Plaza. Sasampahan din ng kaso si Durante at mga tauhan nito sa ilalim ng military justice system.

“Magkakaroon ng court martial and we will have custody over them, meron po tayong custodial center parang kulungan din, oo, so posible na mapunta po sila dun for their safekeeping habang dinidinig po yung kaso nila,” ani Brawner.

Una nang kinasuhan si Durante at mga tauhan nito na kinabibilangan nina Col. Michael D. Lic­yayo, deputy commander ng 1001st Infantry Brigade; Staff Sergeants Gilbert Plaza at Delfin Llarenas Sialsa Jr.; Corporal Adrian N. Cachero; Privates First Class Rolly Cabal and Romart Lo­ngakit; sibilyan na si Noel H. Japitan, isang alias “Junior,” at isang “Master Sergeant”.

Ayon kay Brawner, sinibak si Durante bilang hepe ng 1001st Infantry Brigade batay na rin sa resulta ng imbestigasyon ng Special Investigation Task Force (SITG).

Aniya, bahagi ito ng standard operating procedure (SOP) upang hindi maimpluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon laban sa kanya at kanyang mga tauhan.

Kaugnay nito, sinabi din ni Brawner na kahit ano pa ang ranggo ng mga sundalo, pareho ang magiging trato sa oras na masangkot sa kaso at sumailalim sa imbestigasyon. Aniya, walang VIP treatment.

“Hindi po natin tinu-tolerate yung mga ganitong wrongdoings o itong criminal acts, kahit na ano pong ranggo ng ating mga sundalo, maging opisyal or enlisted personnel ay pare-pareho po yung treatment natin sa kanila,” dagdag pa ni Brawner.

Nitong Miyerkules ay ibinunyag ni Police Regional Office 11 director Brig. Gen. Benjamin Silo Jr. na may sapat silang ebidensiya sa pagsasampa ng kasong murder at obstruction of justice laban kay Durante sa pagpaslang kay Plaza, 38, na binaril ng malapitan sa harap ng kanyang bahay sa Green Meadow Subdivision sa Davao City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng binuong SITG Yvonne, na may lihim na relasyon umano si Durante sa biktima at may hawak itong sensitibong impormasyon na ipinapam-blackmail sa sinibak na opisyal na sinasabing ugat ng krimen.

Ayon kay Brawner, ire­respeto nila ang proseso ng batas at pahihintulutan sina Durante, Licyayo at iba pang sundalo na sangkot sa krimen na maghain ng kanilang counter affidavit.

Nabatid na si Sialsa ang umamin na siya ang gunman habang si Ca­chero ang nagmaneho ng motorsiklo na ginamit na getaway vehicle.

Si Licyayo na kabilang rin sa natukoy na ‘persons of interest’ ang nag-utos ng surveillance operation at bumuo ng team ng ilang mga sundalo at dalawang sibilyan na nagsakatuparan ng paglikida kay Yvonne. — Joy Cantos

 

 

vuukle comment

YVONNE PLAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with