^

Bansa

Labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, maiuuwi na ngayon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, maiuuwi na ngayon
Family of the slain OFW Jullebee Ranara in Kuwait met with Senator Imee Marcos, DMW Usec. Hans Cacdac, and OWWA Administrator Arnell Ignacio on Jan. 26, 2023.
Photo from Office of Senator Imee Marcos

MANILA, Philippines — Maiuuwi na ngayong araw ang labi ng OFW na pinatay at sinunog sa Kuwait.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega na ang labi ni Jullebee Ranara ay maiuuwi dito sa bansa at ang employer nito ang sasagot sa mga gastusin.

Idinagdag pa ni De Vega na pinanatili ng Philippine Embassy sa  Kuwait ang serbisyo ng abogado na siyang tumutulong sa Philippine Ambassador at vice consul para sa pag-uusap sa Kuwaiti prosecutor na humahawak ng kaso.

“I could tell you that the Embassy has already also worked (with) the employer so that the remains will be brought home and that will be Friday night,” ayon pa sa opisyal.

Samantala ang Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) ang mangangasiwa para masiguro na ang pamilya ni Ranara ay makukuha ang bangkay ng biktima.

Si Ranara, 35, ay natagpuang patay at sinunog ang katawan niya sa isang desyerto sa Kuwait noong Linggo habang naaresto naman ang 17-anyos na anak ng kanyang employer na hawak na ngayon ng mga otoridad doon.

Samantala, isa pang bangkay ng babae ang natagpuan sa Estados Unidos.

Kinumpirma ni DFA spokesperson Teresita Daza na ipinagbigay-alam sa Philippine Consulate General sa New York ng Office of the Chief Examiner ng New York City ang natagpuang Pinay sa kanyang hotel room na wala ng buhay.

Isinugod pa umano sa ospital ang hindi pa pinapangalanang Pinay subalit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa umano alam ang ikinamatay ng Pinay habang patuloy pa rin ang ginagawa nilang imbes­tigasyon samantalang ipinagbigay-alam na rin ng embahada sa pamilya nito ang nasabing insidente.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with