^

Bansa

Marcos pinabibilisan ang digital

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos pinabibilisan ang digital
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered his speech at Villamor Air Base on November 14, 2022 after attending the 40th and 41st ASEAN Summit and related summits in Phnom Penh, Cambodia.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — National ID Naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para bilisan ang digitalization ng National Identification (ID) system na gagamitin para sa public at private ­transactions.

Sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) on Digital Infrastructure sa Malacañang, tinalakay ang panukalang Public-Private Partnership (PPP) ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa paglulunsad ng Digital PhilID App.

Target ng Philippine Identification System (PhilSys) na masimulan ang isang mobile app sa unang quarter ng taong ito sa tulong ng pribadong sektor sa pamamagitan ng mga PPP.

Hiniling ng Pangulo sa pribadong sektor na tumulong na sa pagpapalabas ng National ID dahil ito ang may teknolohiya at kakayahan para sa mga bagong digital ID.

“Naiwanan na tayo sa technology, so we have to catch up,” ani Marcos.

Kasama sa mga benepisyo ng paggamit ng digital ID system ang automated na eKYC (Know Your Customer), proteksyon sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan, credit card at loan application, at digital wallet.

Ang pagsasama ng digital ID sa isang digital wallet ay magreresulta sa pag-aalis ng mahabang pila sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), anti-fraud at anti-scamming, pagsubaybay sa mga programa ng DSWD pati na rin ang mas mabilis na pag-disbursement ng cash aid ng gobyerno.

Ang Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act ay nilagdaan bilang batas noong Agosto 6, 2018.

Layon nitong magtatag ng isang pambansang sistema ng pagkaka­kilanlan para sa lahat ng mamamayan at residenteng dayuhan ng Pilipinas.

ID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with