^

Bansa

Northern Samar niyanig ng magnitude 5.7 na lindol — Phivolcs

Philstar.com
Northern Samar niyanig ng magnitude 5.7 na lindol â Phivolcs
Bandang 2:33 p.m. nang maitala ang naturang pagyanig, Biyernes. Namataan ang epicenter ng earthquake 114 kilometro hilagangsilangan ng Mapanas, Northern Samar.
Google Maps

MANILA, Philippines — Inuga ng isang magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Kabisayaan at Bicol Region, bagay na sinasabing nangyari sa gitna ng katubigan.

Bandang 2:33 p.m. nang maitala ang naturang pagyanig, Biyernes. Namataan ang epicenter ng earthquake 114 kilometro hilagangsilangan ng Mapanas, Northern Samar.

Unang ibinalitang nasa magnitude 5.9 ang naturang pag-uga ng lupa ngunit ibinaba rin kalaunan. Sinasabing "tectonic" ang origin ng lindol.

Samantala, nai-record ang sumusunod na earthquake intensities matapos ang insidente:

Intensity IV (moderately strong)

  • Palapag, Northern Samar

Intensity III (weak)

  • Mapanas, Northern Samar
  • Irosin, Sorsogon

Intensity II (slightly felt)

  • Lapinig, Gamay, Rosario, Biri, Laoang, Allen at Catarman, Northern Samar
  • Arteche, San Policarpo at Oras, Eastern Samar
  • Catbalogan City,
  • Samar
  • San Miguel, Leyte
  • Sorsogon City
  • Legazpi City

Intensity I (scarcely perceptible)

  • Tacloban City, Santa Fe, Pastrana, Julita, Babatngon at Jaro, Leyte

Walang inaasahang pinsala mula sa paglindol ang Phivolcs sa ngayon ngunit tinatayang sunsundan pa ito ng mas maliliit na pagyanig o "aftershocks."

Wala pa ring inilalabas na tsunami warning sa ngayon kahit na nangyari ang lindol sa may katubigan.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas simula nang tamaan ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island malapit sa Vinzons, Camarines Norte, bagay na ramdam hanggang sa Metro Manila.

EARTHQUAKE

NORTHERN SAMAR

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with