^

Bansa

Marcos: Pinas ‘di mahaharap sa recession

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos: Pinas âdi mahaharap sa recession
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered speech during the Telco Summit at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay on December 6, 2022.
STAR/Jesse Bustos

Kahit mataas inflation

MANILA, Philippines — Naniniwala si ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magkakaroon ng recession sa bansa sa kabila ng may nararanasang mataas na inflation.

Ayon sa Pangulo, bagamat mataas ang inflation nitong Nob­yembre na umabot sa 8 percent ay bumaba naman ang unemployment rate sa 4.5% mula sa dating 5% na indikasyong nadagdagan ang bilang ng mga may trabaho.

Dahil dito, kaya tiwala ang Pangulo na hindi magkakaroon ng recession o pansamantalang paghina ng ekonomiya na magreresulta sa pagkawala ng mga trabaho.

“Malakas ang loob natin hindi tayo magkakaroon ng recession dito sa Pilipinas dahil masyadong mababa ang unemployment rate,” ayon pa kay Marcos.

Sa simula pa lamang umano ng kaniyang administrasyon ay ang pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino ang kaniyang unang prayoridad na tututukan na nagkakaroon na ng resulta.

Patuloy din umano silang gumagawa ng mga paraan para mapagaan ang dinaranas na sakripisyo ng publiko sa mabilis na pagtaas na presyo ng mga bilihin.

Nangako naman ang Pangulo na gagawin ng kaniyang gobyerno ang lahat ng paraan para mapababa ang inflation rate at mapabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

FERDINAND MARCOS JR.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with