^

Bansa

Taunang pagbabakuna vs malalang COVID-19 variant, kailangan - expert

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taunang pagbabakuna vs malalang COVID-19 variant, kailangan - expert
Residents receive a dose of Johnson & Johnson COVID-19 vaccine at FilOil Flying V Center in San Juan City on July 21, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa patuloy pa rin ng pagsulpot ng iba’t ibang ­variants ng COVID-19 at pagbaba naman ng immunity ng mga nabakunahan paglipas ng 6-8 buwan, mas kailangan na magbigay ng isa o dalawang pagbabakuna upang mapanatili ang proteksyon laban sa mas malalang COVID-19 variants.

Sa isang public briefing, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na mababa na ang proteksyon laban sa COVID-19 vaccines makalipas ang 6-8 buwan ng huling pagbabakuna kaya hindi malayo na muling tumaas ang mga kaso.

Aniya, hanggat nasa bansa ang COVID-19 at posibilidad na pagtaas ng mga kaso, may pangangailangan para sa patuloy na proteksyon upang maiwasan ang mutation ng isang mas malubhang kaso.

“In the event na hanggang next year, halimbawa, January o February, mataas pa rin ang kaso or hindi naman mataas basta mayroon pa ring kaso ang ­COVID-19, there is still a possibility na pwedeng tataas ang mga kaso nang bahagya,” aniya.

“Nakikita natin na pwede pa ring magbabakuna tayo at isa sa mga possible options ‘yan...once a year or twice a year na ang vaccination natin ng COVID para lang to maintain that protection na hindi tayo mag-develop ng severe COVID,” giit niya.

Hindi bababa sa 73.7 milyong Pilipino ang fully vaccinated, habang 21 milyon ang may booster shots, batay sa national COVID-19 vaccination dashboard ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, nitong Dis. 4 ay nasa 23.5% ang bed occupancy rate sa bansa o hindi bababa sa 6,662 na kama ang okupado, habang 21,640 ang bakante.

Nakapagtala rin ang Pilipinas ng 883 bagong impeksyon sa COVID-19 noong Martes, habang bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa 17,481.

COVID-19 VARIANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with