^

Bansa

Pag-inom ng kape bago mag-almusal, masama

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pag-inom ng kape bago mag-almusal, masama
Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom agad ng kape makaraang gumising mula sa pagtulog o bago mag-almusal lalo na kung walang sapat na tulog ay nagdudulot ng matinding epekto sa blood glucose at hormonal balance.
Pixabay.com

Ayon sa health expert

MANILA, Philippines — Nakakasama umano sa kalusugan ng tao ang agarang pag-inom ng kape bago mag-almusal ng umaga o pag-inom ng kape pagkagising.

Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom agad ng kape makaraang gumising mula sa pagtulog o bago mag-almusal lalo na kung walang sapat na tulog ay nagdudulot ng matinding epekto sa blood glucose at hormonal balance.

“Individuals should try to balance the potential stimulating benefits of caffeinated coffee in the morning with the potential for higher blood glucose levels and it maybe better to consume coffee after breakfast rather than before” pahayag ni Harry Smith, ang health expert na nag-aral hinggil dito.

Batay sa pag-aaral, ang hindi agad pagkatulog ay walang epekto sa glucose levels ng mga taong uminom ng kape sa gabi pero ang pag-inom ng black coffee bago mag-almusal o pagkagising ay tumataas ang blood glucose ng may 50 percent.

Ang blood glucose o ang asukal sa dugo ay pananggalang sa ibat ibang uri ng sakit tulad ng sakit sa puso at diabetes.

Karaniwan umano na may 4 grams ng glucose ang taong may 70 kilogram ang timbang.

Tumataas ang level ng asukal sa ating dugo depende sa intake ng pagkain ng isang tao lalo na ng matatamis na pagkain o sugary foods.

vuukle comment

KAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with