^

Bansa

Marcos dadalo sa APEC Summit sa US

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa ­Nobyembre 2023 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

“President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that President Marcos will be attending together with all the leaders who have been invited to APEC,” ayon kay Romualdez.

Sinabi pa niya na inaasahang makikipagkita si Marcos sa American business groups para talakayin ang posibleng investments sa bansa.

Bukod dito, handa rin umano sa pagkakataong iyon ang PIlipinas na ipakita ang reporma at economic programs sa nasabing pagtitipon para makahikayat pa ng investors.

Inanunsiyo naman ni US Vice President Kamala Harris na ang summit ay gagawin sa Nobyembre 12 sa San Francisco California at bilang host country ay makikipagtulungan sila sa APEC economies para lumikha ng bagong sustainability at decarbonization commitments.

APEC

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with