Maharlika Wealth Fund ‘di lulusot sa Senado
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate minority leader Senator Koko Pimentel na hindi lulusot sa Senado ang Maharlika Fund bill.
Sinabi ni Pimentel na ang isang ideya na palaging pabagu-bago, hindi pinag-isipan at minadali ay asahang mahihirapang makalusot sa Senado.
Ito ay kahit inalis pa ng Kamara ang GSIS at SSS sa main contributor ng itatatag na sovereign wealth fund.
Ayon kay Pimentel, mahina ang isinusulong na Maharlika Fund hindi dahil sa kahinaan ng mga argumento rito kundi sadyang malakas lang ang mariing pagtutol sa panukala.
Sinabi pa ng senador na ang gulo ng Mababang Kapulungan dahil basic lang naman ang konsepto ng panukala kung saan ang pondong ilalaan dito ay surplus.
Subalit kahit umano walang surplus funds o sobrang pondo ay itutuloy pa rin ng mga nagsusulong ang wealth o investment fund.
Patunay umano sa kawalan ng surplus funds ay ang pagiging baon sa utang ng bansa na dapat unahing bayaran.
- Latest