^

Bansa

CTSP/ROTC Bill aprub na sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
CTSP/ROTC Bill aprub na sa House panel
Ito’y matapos pagsama-samahin ng House Committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education ang 27 panukala at ang House Bill (HB) 6486 ang magiging mother bill.
Army Reserve Command Facebook page

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa panel ng Kamara ang panukalang gawing mandatory ang Citizens Training Service Program (CTSP) at gawin namang optional ang Reserved Officers Training Corps (ROTC).

Ito’y matapos pagsama-samahin ng House Committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education ang 27 panukala at ang House Bill (HB) 6486 ang magiging mother bill.

Alinsunod sa naging deliberasyon ay tatanggalin na ang National Service Training Program (NSTP) na nasa ilalim ng Republic Act 9163.

Layunin ng panukala na mabigyan ng kakayanan ang mga Pilipino na magampanan ang tungkulin ng mga ito sa Saligang Batas na makapagbigay ng military o civil service sa bansa lalo na sa panahon ng national at local emergency.

Gayundin sa panahon ng kalamidad lalo na at ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasa “Pacific Ring of Fire “ na madalas dalawin ng mga bagyo at kalamidad, rebelyon, giyera o pananakop sa bansa.

Isinasaad rin dito na magiging mahigpit na ang pagbabantay sa implementasyon ng panukala upang masiguro na hindi ito magreresulta sa pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.

Magugunita na pursigidong isinulong ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mandatory ROTC upang ikintal sa isipan ng mga kabataang estudyante ang patriyotismo o pagiging makabayan.

CTSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with