^

Bansa

Lotilla, Solidum lusot na sa CA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sina Energy Sec. Raphael Lotilla at DOST Sec. Renato Solidum.

Si Lotilla ay matatandaang dalawang beses na nasuspindi ang deliberasyon sa ad interim appointment nito sa CA bunsod na rin ng mahabang listahan ng magtatanong na mambabatas at kakulangan ng oras at sa ikatlong pagkakataon ay naaprubahan na rin ito.

Nangako si Lotilla na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay sisikapin ng ahensya na mabawasan ang singil sa kuryente.

Binigyang garantiya rin ni Lotilla ang targets ng DOE na maibaba ang dependence ng bansa sa coal energy upang mabawasan ang nararanasang global warming.

Samantala, aprubado rin agad ng CA ang ad interim appointment ni Solidum.

Ilan sa mga naitanong kay Solidum ang mga hakbang ng DOST sa research and development, food security, pagpapalakas ng agrikultura, at mga pamamaraan para mahikayat ang mga estudyante na sumabak sa science and technology.

Natanong din siya ni Cong. Jurdin Romualdo kung maaring gamitin ang materyales ng rocketship para magpalabas ng lava para hindi na pumutok ang bulkan, subalit sagot ni Solidum walang sumusubok nito dahil baka lalong maka-trigger ng pagsabog ng bulkan.

Sinuspindi naman ng CA ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Transportation Secretary Jaime Bautista dahil kinulang na sa oras para ipagpatuloy ang mga pagtatanong matapos na mag-evacuate dahil sa lindol.

CA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with