^

Bansa

Bilang ng jobless Pinoy, nabawasan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority  (PSA), nasa 2.24 milyong Pinoy na lamang ang walang trabaho noong Oktubre 2022 kumpara sa 2.50 milyon na naitala noong Setyembre 2022.

Ayon sa PSA, base ito sa isinagawang Labor Force Survey noong Oktubre.

Nangangahulugan ito na nasa 4.5 porsyento na lamang ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho noong Oktubre kumpara sa 5 porsyento noong Setyembre.

Nabatid na ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitala simula ang pre-pandemic noong Oktubre 2019.

Ang services sector ang nanguna bilang top employer na may 59.2%  share sa labor market.

Sumunod ang sektor ng agriculture at industry na may 22.5 porsyento at 18.3 porsyento.

Samantala, tumaas naman sa 6.67 milyon ang underemployment o iyong mga naghahanap ng iba pang trabaho o dagdag na work hours o katumbas ng 14.2 por­syento.

Mas mataas ito ng 13.8 porsyento na underemployment rate sa 6.54 milyon na naitala noon.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with