^

Bansa

Printing ng Philippine IDs, bilisan – Marcos Jr.

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Printing ng Philippine IDs, bilisan â Marcos Jr.
A sample of the Philippine National ID, now a valid proof of identity.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Tila naiinip na rin ma­ging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mabagal na pagpapalabas ng Philippine Statistics Office (PSA) ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

Ito’y matapos atasan ni Marcos ang PSA na madaliin ang maramihang pag-imprenta ng digital version ng PhilSys ID at isunod ang pagpi-print ng physical ID.

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sabi ng Pangulo sa kanyang meeting kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA.

Sa nasabing pagpupulong ay napag-usapan ang kakayahan na mag-imprenta gayundin ang “late start ng flow of data at volume of data”.

Tiniyak naman ni PSA Undersecretary Dennnis Mapa na makikipagtulu­ngan sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pabilisin ang produksyon at pag-imprenta ng Phil ID.

Paliwanag pa ni Mapa, na ang dagsa ng mga nagpaparehistro  ng PhilSys ID ang dahilan sa delay ng imprenta ng national ID cards.

Matatandaan na Oktubre nang simulan  ang implementasyon ng printed digital version ng Phil ID habang hindi pa naman nakakagawa ng physical ID na katulad ang di­senyo ng isang ATM card.

ID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with