Nasayang na bakuna umakyat na sa P22 bilyon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna na nasira. Ito ay kung nagkakahalaga ang isang dosage ng P500.
Nitong nakaraang Nobyembre 21, sinabi ni Vergeire na 15.6 bilyon na mga bakuna o katumbas ng 31 milyong shots na ang nasira.
“Dun sa kuwenta, we do not have the exact amount of how much because of the non-disclosure agreements,” saad ni Vergeire.
“But what we do... for planning purposes, we assume na P500 across the board ang mga bakuna.”
Karamihan umano sa mga nasayang na bakuna ay nag-expire dahil sa maigsing “shelf life” ng mga ito at mayorya nito ay mga binili ng pribadong sektor.
Isa rin sa dahilan ng pagkapaso ng mga bakuna ay ang pagdadalawang-isip ng mga Pilipino na magpabakuna nitong huling bahagi ng taon nang bumaba na ang mga kaso.
- Latest