^

Bansa

Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos
Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo.
Mer Layson, File

MANILA, Philippines — Para mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang.

Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo.

Sa sandaling maisabatas, lahat ng residenteng Pinoy na nasa 56-anyos ay ikokonsidera ng senior citizen at maaari nang makinabang sa umiiral na benepisyo.

Paliwanag pa ni Revilla, dapat lang na ibaba ang edad para maging senior citizen ang mga nakakatandang kababayan lalo na ngayong nagkapandemya at madami ang hindi pinalad na umabot sa edad na 60.

Sa datos ng Department of Health (DOH) noong Disyembre 2022, 7.33% ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay pawang mga senior citizen na humantong sa kamatayan kumpara sa 0.76% na ang edad ay 18 anyos hanggang 59-anyos.

Para naman matiyak na ang mga matatanda ay mabibigyan ng nararapat na benepisyo kaya inihain rin ni Revilla ang Senate Bill 1558 na naglalayong obligahin ang mga establisimyento, venue halls at recreational centers na dapat may nakahandang upuan at lamesa para sa mga senior citizens.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with