^

Bansa

Bong Go: Maharlika Wealth Fund, masusing aralin, ilayo sa pulitika

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil tiyak na magi­ging paksa ng mahabang debate, binigyang-diin ni Sen. Christopher “Bong” Go na dapat masusing aralin, mapagkakatiwalaan ang pamamahala at ilayo sa pulitika ang panukalang Maharlika Wealth Fund sakaling ito ay maisabatas.

“Siguro mahabang usapan ‘yan, mahabang debate. Ang importante dito, ang tanong is ‘who will manage? Sino po ang magdadala?’,” ani Go sa isang ambush interview matapos siyang dumalo sa Bicameral Conference Committee meeting sa Manila Golf Club sa Makati City noong Lunes.

“Dapat mapag-aralan ito nang mabuti. Mala­king halaga yan. Mahalagang walang masayang na pondo ng bayan lalo na sa panahon ngayon na hirap ang mga Pilipino,” idinagdag niya.

Inihahambing ng panukala ang Maharlika sa wealth fund ng Singapore na itinatag upang matiyak ang mahusay na panga­ngasiwa ng mga dayuhang reserba ng bansa sa pamamagitan ng pagbili ng mga asset.

Binanggit din ang pondo ng Indonesia na nagbi­gay-daan na mamuhunan ng pera sa lumalaking sektor at sa imprastraktura ng bansa.

Gayunpaman, ilang sektor ang nagpahayag ng pag-aalala na ang panukala ay dapat lagyan ng karagdagang safeguards.

May mga pangamba rin na ang proposed fund ay baka maging kahalintulad ng Malaysia’s 1Malaysia Development Berhad, na kinulapol ng mga alegasyon ng katiwalian.

Si Najib Razak, dating Prime Minister ng Malaysia, ay na-convict sa paglulustay ng bilyun-bilyon mula sa sovereign wealth fund ng bansa noong 2020.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with