^

Bansa

P5.268 trilyon 2023 national budget niratipikahan na ng Senado, Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratipikahan na kagabi ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral Conference Committee report sa panukalang P5.268 trilyong 2023 national budget ng pamahalaan.

Sa botong viva voce, nanaig ang pagkatig ng mga kongresista sa House Bill 4488 o ang General Appropriations Act.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nag-preside ng session nang ratipikahan ang 2023 GAB matapos ang isinagawang Christmas Lighting Ceremony.

Dahil dito, nakasisiguro na malalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang national budget sa target na hanggang bago mag-Pasko.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang niratipikahang P5.268 trilyong national budget ay kinapapalooban at tumutugon sa 8-point economic agenda ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Romualdez, ang 2023 budget ay siguradong maghahatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan at magpapabilis sa paglago ng ating ekonomiya.

Nakatakda namang ipadala kay Pangulong Marcos ang kopya ng pambansang pondo bago ito malagdaan bilang batas. — Gemma Garcia

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with