^

Bansa

DOH, gigisahin ng Blue Ribbon sa COVID-19 vaccines deal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagtanggi ng Department of Health (DOH) na ilabas ang mga kontrata tungkol sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni committee chairman Sen. Francis Tolentino na magsasagawa sila ng moto propio o sarili nilang imbestigasyon sa Disyembre 14.

Ayon kay Tolentino, may karapatan ang taumbayan na malaman kung saan napunta at paano ginamit ang mga bakuna kaya suportado niya ang panawagan na i-audit ang mga biniling bakuna.

Dapat din umanong malaman ng kongreso kung paano ginamit ang pondo bilang bahagi ng paghahanda sa susunod na taong budget at ang Non-disclosure agreement (NDA) ay hindi sapat na rason para hindi magsagawa ng audit.

Binalaan naman ni Tolentino ang COA na “have to issue a notice of suspension and go through the process of notice of disallowance,” including the issuance of a subpoena to DOH, if they will not release the documents.”

Nauna nang sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na maaari lang silang magbigay sa COA ng mga dokumentong may kaugnayan sa pagbili ng COVID-19 vaccines na nakasaad sa NDA ng mga suppliers.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with