^

Bansa

Bicam ibinalik P10-B NTF-ELCAC budget, P150-M DepEd confidential funds

Philstar.com
Bicam ibinalik P10-B NTF-ELCAC budget, P150-M DepEd confidential funds
Kuha sa protestang ikinasa ng grupong Karapatan sa harapan ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency, ika-5 ng Disyembre, 2022
Released/Karapatan

MANILA, Philippines — Isinaoli ng mga mambabatas ang bilyun-bilyon at milyun-milyong kontrobersyal funds sa 2023 proposed budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Department of Education, bagay na una nang tinapyasan.

Ito ang ibinahagi nina Sen. Sonny Angara at Rep. Zaldy Co (Ako Bicol party-list), Lunes, matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang reconciled version ng proposed P5.26 trilyong national budget para sa susunod na taon.

"We restored the budget [of NTF-ELCAC], everything. That’s almost 10 billion," ani Co, na siyang nangunguna sa House appropriations panel.

Oktubre lang nang i-realign ng Kamara ang P5 bilyon mula sa NTF-ELCAC, na kilala sa pagre-redtag ng mga ligal na aktibista at mga progresibo, ngunit nangako sina Co na makikipagtulungan sa mga counterparts nila sa Senado na maibalik ito nang buo.

Una nang naisiwalat na tanging 2% lang sa 2022 projects ng NTF-ELCAC ang nakumpleto o nagpapatuloy. Wala pa rin sa kalahati (48%) ang naisakatuparan sa ilalim ng Support for Barangay Development Program noong 2021.

Sa kabila nito, malaki ang itinalon ng pondo ng ahensya: P19.2 bilyon ngayong 2022 mula sa P1.7 bilyon noong 2020. Una na ring ibinalita ng Commission on Audit na nabigo ang NTF-ELCAC na i-liquidate ang nasa P33.4 milyon mula sa pondo nito noong 2021.

"Kaysa i-restore ang badyet ng ahensya, mas mapaglilingkuran ang publiko kung lulusawin na ang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo nito sa mga batayang serbisyong panlipunan," wika ni Karapatan secretary general Cristina Palabay sa Ingles.

"It is especially objectionable that after all the plenary debates and interpellations done in the open to scrutinize the NTF-ELCAC’s budget, the bicameral conference committee suddenly backpedalled just on the say-so of House Speaker Martin Romualdez and Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos."

"An agency that has been running roughshod on the people’s civil and political rights and does not address the real roots of the armed conflict does not deserve a single centavo from the public coffers."

 

Confidential funds balik sa dati

Matapos tapyasan ng Senado sa P30 milyon ang mungkahing confidential funds ng DepEd, nanumbambalik ito sa P150 milyon, bagay na binabatikos nang husto.

"Sa DepEd naibalik iyon. Sa ibang agencies na tinapyas ng Senado di na naibalik," paliwanag naman ni Angara.

Una nang ibinabala ng human rights groups na maaaring magamit lang sa katiwalian ang naturang pondo, lalo na't mahirap i-audit ang confidential funds. Bukod pa 'yan sa posibilidad na magamit lang daw ito para sa "paniniktik" at pag-uugnay sa youth organizations sa mga rebelde.

Sa kabila nito, dinepensahan ito ni Bise Presidente Sara Duterte, na kalihim din ng DepEd, at sinabing gagamitin nila ito laban sa sexual abuses sa loob ng mga paaralan.

Ang pondong ito sa ilalim ni Duterte ay hiwalay pa sa mungkahing P500 milyong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President, bagay na wala naman noon.

Bago magtapos ang Nobyembre ay hinamon pa lang ng ACT Teachers party-list sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at VP Duterte na kusang ilipat na lang ang nasa P5 bilyong halaga ng kanilang proposed confidential at intelligence funds patungo sa pagbibigay ng P10,000 ayuda. — James Relativo at may mga ulat mula kina Gaea Katreena Cabico at Xave Gregorio 

AKO BICOL PARTY-LIST

CONFIDENTIAL FUNDS

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KARAPATAN

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

SENATE

SONNY ANGARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with