^

Bansa

OFWs, magbukas ng sariling negosyo - Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bawat OFW na magbukas ng sarili nilang negosyo.

Bagamat hindi nakadalo sa 2022 Go Negosyo OFW Summit, sinabi ng Pangulo sa isang kalatas na patuloy ang ginagawa ng pamahalaan sa pagsasaliksik sa entrepreneurship bilang plataporma para masiguro na makakaahon ang bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang kontribusyon umano ng OFWs sa ekonomiya ng bansa at labor force ay nagsisilbing mahala­gang elemento patungo sa pangmatagalan na kasaganaan at nananatili itong matibay na pundasyon ng ekonomiya.

“In today’s activities, we aim to make entrepreneurship an avenue where we can help OFWs and their families generate additional income to support their needs,” ayon pa kay Marcos.

Umaasa rin ang Pa­ngulo na sa pamamagitan ng pagnenegosyo ay magkakaroon ng opsyon ang mga OFWs na bumalik dito sa bansa at magkaroon sila layunin na ang pagpunta sa ibang bansa ay “choice” lamang at hindi kinakailangan.

Ang Go Negosyo OFW Summit  ay ginawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Go Negosyo sa kanilang  ika-17 anibersaryo.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon si First Lady Liza Araneta-Marcos at inanunsyo na may 9 na Kabayan Awardees ang makatatanggap ng P200,000 mula sa  Office of the President (OP)

Ang Kabayan Awards ay ibinibigay para sa mga OFW na inspiring ang kwento sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with