^

Bansa

2 pang kaso ng BQ.1 natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 pang kaso ng BQ.1 natukoy
A woman stands on a rooftop during sunset in Manila on November 25, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Dalawang kaso ng BQ.1 Omicron subvariant ang natukoy ng Department of Health sa pinakahuling biosurveillance report nila para tumaas ang kabuuang kaso nito sa 16 sa bansa.

Nagmula ang dalawang bagong kaso sa Cagayan Valley at Central Visayas. Hindi naman binanggit kung lokal na kaso ang mga ito.

Ang BQ.1 ay sublineage ng omicron BA.5, na ikinukunsidera ng European Center for Disease Control na variant of interest at dahilan ng pagtaas ng kaso sa United States of America, United Kingdom at ilang parte pa ng Europa.

Natukoy rin ng DOH ang 536 bagong kaso ng iba pang Omicron subvariants. Kabilang dito ang 353 kaso ng BA.2.3.20, isang kaso ng BA.4, 21 kaso ng BA.5, 133 kaso ng XBB at 28 kaso ng iba pang sublineages.

Resulta ito ng pinakabagong genome sequencing na isinagawa mula Nobyembre 21-24.

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with