^

Bansa

Panukalang sovereign wealth fund, ikinabahala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangamba si Senador Imee Marcos na matulad sa 1Malaysia Development Berhad (1MDB) na nabalot ng isyu ng graft ang panukalang Philippine sovereign wealth fund.

Ayon kay Marcos, na nasaksihan natin na naging disaster ang nangyari sa 1MDB ng Malaysia kung saan nakurakot ang pera at ibinagsak pa ang buong gobyerno at ang partido na nag-umpisa nito.

Nakakatakot umano ito kung iisiping maigi at kung handa na ba ang Pilipinas para sa sariling sovereign fund ngayon.

Kinuwestyon din ni Marcos ang timing ng pagtatatag ng sovereign wealth fund gayung nasa kalagitnaan ng economic crisis ang buong mundo, may mga utang pa na hindi pa nababayaran at walang pondo ang mga social services.

Nagpahayag din ng pangamba ang Senadora sa paggamit ng pension funds ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa pagtatatag ng so­vereign wealth fund.

Sang-ayon naman siya na dapat i-consolidate ang capital ng financial institutions ng gobyerno at government-owned and controlled corporations (GOCCs) su­balit dapat itong gamitin sa mga proyekto tulad ng dams na maaring gamitin para sa irigasyon ng agricultural lands at pagkukunan ng kuryente.

FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with